Kaso ni Aquino sa pagkamatay ng SAF 44 hindi pakikialaman ni Duterte

By Den Macaranas January 27, 2018 - 10:13 AM

Inquirer file photo

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang kinalaman sa pagsasampa ng kaso laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino at ilang mga personalidad sa naganap na Mamasapano massacre noong 2015.

Kasunod ito ng pahayag ng pangulo na hindi na kailangan pang bumuo ng isa pang panel para imbestigahan ang pagkamatay ng 44 na Special Action Force personnel sa bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao tatlong taon na ang nakalilipas.

Noong isang linggo ay sinabi ng Office of the Solicitor General (OSG) na aapela sila sa Supreme Court para atasan ang Ombudsman na baguhin ang mga kasong isinampa laban sa grupo ni Aquino.

Mula sa kasong graft at usurpation of authority, sinabi ng Solicitor General na pipilitin nilang maiakyat ang kaso sa reckless imprudence resulting in multiple homicide.

Bukod sa dating pangulo, pinapanagot rin sa kamatayan ng tinaguriang SAF 44 sina dating PNP Chief Alan Purisima at dating Special Action Force Director Getulio Napeñas.

Sa ikatlong anibersaryo ng Mamasapano massacre ay muling umapela sa pamahalaan ang mga kaanak ng napatay na SAF troopers na tiyakin na mabibigyan ng hustisya ang mga namatay na alagad ng batas.

Gusto rin nilang masampahan ng mabigat na kaso ang dating pangulo pati na ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na naka-enkwentro ng mga SAF troopers.

TAGS: Aquino, duterte, mamasapano, MILF, OSG, SAF, Aquino, duterte, mamasapano, MILF, OSG, SAF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.