Lalawigan ng Negros Oriental nilindol

Philvocs

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang malaking bahagi ng Negros Oriental ngayong umaga.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), natagpuan ang epicenter ng tectonic earthquake sa Kanlurang bahagi ng Dauin, Negros Oriental.

May lalim ito na anim na kilometro at hindi naman inaasahan na magdudulot ng tsunami ayon pa sa Philvocs.

Naramdaman ang pagyanig sa lakas na intensity 4 sa bayan ng Sibulan at lungsod ng Dumaguete at inaasahan ang mga mahinang aftershocks.

Sa paunang ulat ay wala namang naitalang pinsala sa mga ari-arian o kaya ay namatay ang Office of the Civil Defense kaugnay sa nasabing lindol.

Read more...