Mga Indian businessmen pinag-iingat ni Duterte sa Mindanao
Pinag-iingat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Indian nationals na gustong magtayo ng negosyo sa ilang lugar sa Mindanao region.
Sa kanyang pakikipag-pulong sa ilang grupo ng mga negosyante sa India, inamin ng pangulo na tuloy pa rin ang banta ng terorismo sa ilang bahagi ng Mindanao.
Hindi umano malayo na targetin ng mga kasalab ng estado ang mga Indian nationals at iba pang mga foreign investors sa kanilang paghahasik ng lagim.
Si Pangulong Duterte ay nakabalik na sa bansa mula sa ilang araw na pananatili sa India bilang isa sa mga bisita sa ginanap na ASEAN-India Commemorative Summit sa New Delhi.
Sa kanyang pahayag ay sinabi ng pangulo na isa sa mga importanteng business partner ng bansa ang India.
Dalawang araw naman na mananatili sa Davao City ang pangulo para magpahinga bago ang kanyang gagawing pagdalaw sa lalawigan ng Albay para tingnan ang kalagayan ng mga naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.