Ito ang inihayag ni Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary Eduardo del Rosario sa isang pulong balitaan.
Ayon kay del Rosario, mahirap kasing masiguro o i-validate kung totoo ngang nanakaw ang ilan sa mga alahas, pera o iba pang gamit ng mga bakwit.
Iginiit din niya na walang kahit anong bansa ang maglalaan ng pondo para sa mga sinasabing nanakaw na gamit at tiniyak na hindi ito magiging bahagi ng ayuda mula sa gobyerno.
Matatandaan noong Nobyembre noong nakaraang taon, anim na opisyal ang isinailalim sa imbestigasyon matapos mahuling nagnanakaw mula sa mga nilisang bahay sa Marawi bunsod ng gulong idinulot ng Maute Terror group.
Iginiit ni Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner na isolated incident ang pangyayari.
Samantala, ipinahayag din ni del Rosario na matatapos ang rehabilitasyon ng lungsod sa loob lamang ng apat na taon.