Pickup truck, sumampa sa gutter sa Commonwealth Ave

Kuha ni Ronnie Blaza

Biglang sumampa sa gutter ang isang 4×4 na pickup truck sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City, pasado alas-2:00 ng madaling araw.

Ayon sa nagmamaneho ng sasakyan na si Joshua Desiderio na bokalista ng bandang Freestyle, nasa 30 kph lang ang kaniyang takbo.

Pauwi na sana si Desiderio sa Commonwealth mula Makati City nang bahagya siyang tumabi dahil sa panay ang busina ng kaniyang nasa likuran.

Kuha ni Ronnie Blaza

Walang warning device o reflector ang mga concrete barriers sa naturang kalsada at mataas ang sasakyan ni Desiderio, kaya hindi niya napansin ang mga ito dahilan para siya ay bumangga doon.

Malabo rin aniya ang salamin ng kaniyang sasakyan dahil umuulan ng mga oras na iyon at madulas din ang kalsada.

Mapalad namang walang nasaktan sa aksidente, pero tumagal ng halos isang oras ang pag-tow sa sasakyan dahil pahirapan ang pagtanggal sa harapan at likurang gulong ng sasakyan na sumampa sa gutter.

Dahil dito, nagdulot ang insidente ng bahagyang pagbigat sa daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

 

Kuha ni Ronnie Blaza
Read more...