Pagsuspinde sa 4 na opisyal ng ERC, ipinapatupad na ng Palasyo

By Kabie Aenlle January 27, 2018 - 05:15 AM

Ipinag-utos na ng Office of the President kay Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Agnes Devanadera ang pagpapatupad sa suspensyong ipinataw ng Office of the Ombudsman sa apat na commissioners ng kaniyang ahensya.

Matatandaang ipinasususpinde na ng Ombudsman sina Commissioners Alfredo Non, Gloria Victoria Taruc, Josefina Asirit at Geronimo Sta. Ana dahil sa pagiging “administratively liable for conduct prejudicial to the best interest of the service, aggravated by simple misconduct and simple negligence of duty.”

Maliban sa kanilang apat, pinatawan din ng parusa ng Ombudsman si resigned chairman Vicente Salazar.

Isang taong suspensyon na walang bayad ang ipinataw sa apat, habang dahil wala na sa serbisyo si Salazar, pinatawan na lang siya ng multa na tutumbas sa anim na buwan niyang sweldo na ikakaltas sa kaniyang retirement benefits.

Bagaman apat lang silang pinarusahan ng Ombudsman, bilang isang collegial body ang ERC ay maaapektuhan din dito si Devanadera dahil hindi siya makakakilos sa ahensya nang wala ang mga commissioners.

Una nang iginiit ni Devanadera na maaring magdulot ng mga malawakang black out ang pagsuspinde sa mga commissioners dahil walang mag-aapruba sa mga proyektong dapat ipatupad.

Inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kautusan kay Devanadera noon pang January 19.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.