Mga reklamo sa laglag-bala sa NAIA, pinasisiyasat sa Kamara
Pinaiimbestigahan ni Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga kaso ng “laglag-bala” sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Kinumpirma ni Gatchalian na maghahain siya ng isang resolusyon para himukin ang kaukulang komite sa Kamara na siyasatin ang umano’y extortion o pangingikil na nangyari sa NAIA Terminal 4, kabilang na dito ang dalawang insidente ng laglag-bala.
Batay sa ulat, sa dalawang magkahiwalay na insidente ay nahulihan ng bala sa kanilang mga bagahe ang dalawang byahero at pinagbayad daw ng 30-thousand pesos ang unang complainant samantalang at 500 pesos para sa ikalawang biktima.
Bukod sa pagbabayad, ang foreign tourist na si Michael White ay ikinulong rin ng limang araw sa Airport Police Detachment sa NAIA.
Giit ni Gatchalian, maituturing na kahihiyan ang extortion activities na matagal na niyang naririnig sa paliparan lalo’t ito ang show window para sa mga banyaga at lokal na turista n gating bansa.
Sa pamamagitan aniya ng Congressional Inquiry, makakalkal pa ang ibang mga modus, malalaman kung sino ang dapat managot sa extortion issues at upang matiyak na hindi na mauulit ang ganitong uri ng maling Gawain.
Nauna nang inimbestigahan ng Office for Transportation Security o OTS ang lahat ng anggulo sa laglag-bala modus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.