Miyembro ng BIFF, patay sa bakbakan sa Maguindanao

By Kabie Aenlle January 27, 2018 - 02:27 AM

Muli na namang nagpang-abot ang mga sundalo at miyembro ng Islamic State-inspired group na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Ayon sa 6th Infantry Division, isang miyembro ng BIFF ang napatay sa naganap na engkwentro sa bayan ng Rajah Buayan, Maguindanao, alas-3:00 ng madaling araw ng Biyernes.

Ayon pa sa ulat, nauwi sa bakbakan ang pagharang ng mga tauhan ng 40th Infantry Battalion sa grupo ni BIFF leader Esmael Abdulmalik alyas Abu Toraife, na papalabas na sana ng naturang bayan.

Samantala, nai-turn over naman na sa mga opisyal ng barangay ang bangkay ng BIFF member para sa agad na paglilibing dito.

Mapalad namang walang nasaktan sa hanay ng gobyerno sa naganap na engkwentro.

Matagal nang tinatarget ng mga militar ang grupo ni Toraide na umatake din sa mga komunidad ng Teduray sa lalawigan noong December 25.

Nais umano ng grupo na paalisin ang mga lumad sa Mt. Firis kung saan idineklara ni BIFF founder Ameril Umra Kato ang pagkalas niya sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong 2008.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.