Duterte kay Suu Kyi: Huwag pansinin ang human rights advocates

Tila nakahanap ng kakampi si Myanmar State Counselor Aung San Suu Kyi kaugnay sa usapin ng Rohingya Muslims sa kanyang bansa.

Sa isang forum kasama ang mga negosyanteng Indian, ipinahayag ni Pangulong Rodrgio Duterte na naaawa siya kay Suu Kyi.

Ito ay sa gitna ng mga bumabatikos sa Myanmar leader dahil sa bigo umano siyang ipagtanggol ang Rohingya Muslims na biktima ng karahasan.

Sinabi ni Duterte kay Suu Kyi na huwag nang pansinin ang human rights advocates dahil nag-iingay lang ang mga ito.

Ang Myanmar leader ay minsang tinaguriang ehemplo ng power of the powerless at nanalo ng Nobel Peace Prize noong 1991.

Si Duterte naman ay kinukundena ng human rights advocates dahil sa madugong gyera ng kanyang administrasyon kontra iligal na droga.

Tinuligsa naman ni Duterte ang human rights advocates na tahimik sa mga pang-aabuso umano ng foreign employers ng overseas Filipino workers.

Read more...