Piolo at Direk Joyce, kasama na sa pelikula ni Robin tungkol sa Marawi
Kasama na sa pelikula sina Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal sa pelikula ni Robin Padilla patungkol sa Marawi.
Base sa post na mga larawan at video ng kanyang pagpunta sa Marawi ay makikitang kasama nito si Piolo at Direk Joyce.
Patuloy ang pagtulong ng tatlo sa mga residente ng lungsod na naapektuhan ng kaguluhan.
Handa na sina Piolo at Direk Joyce na magsimulang mag-shooting para sa pelikula.
Ayon kay Piolo, hindi kakasya ang donasyong natanggap ng fund-raising drive na Tindig Marawi kaya naisipan nila na mag-produce ng pelikula.
Dito ay hindi maniningil ng talent fee mula ang mga producer, artista hanggang sa mga staff at crew.
Aniya sa kasalukuyan ay kanilang binbuo nila ang script para sa naturang pelikula.
Dagdag pa dito ay siya umaasa na makapag-start ng pelikula ngayong darating na summer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.