MRT, hindi ipapasara sa kabila ng panibagong aberya ngayong hapon
Inumpisahan na ng pamunuan ng MRT 3 ang imbestigasyon sa pag-usok ng upuan ng isa sa tren nito na naging sanhi para suspendihin ang biyahe ng kalahati ng riles nito kaninang bago mag alas dos ng hapon.
Ayon MRT Dir. Mike Capati, hindi pa nila alam kung ano ang sanhi ng nasabing aberya na nagdulot din ng pagpapababa ng daan-daang pasahero at pagka-stranded ng iba pa nitong pasahero.
Tiniyak naman nito na agad nilang ilalabas ang kanilang findings oras na ito ay maging available.
Sa kabila naman nito, sinabi ni Capati na nananatiling ligtas ang mga tren ng MRT.
Aral din aniya ang kanilang mga driver kung paano umaksyon tuwing magkakaroon ng teknikal na problema ang kanilang mga bagon.
Nagkakaisa naman sina Capati at MRT Gen. Manager Rodolfo Garcia na malabo ang ilang panukala na ipasara pansamantala ang MRT para maayos ang mga problema nito dahil umaabot sa 300,000 hanggang 500,000 na mga pasahero ang umaasa dito araw-araw.
Kanina nagpatupad ng provisionary service mula Shaw Blvd. hanggang Taft station ang MRT dahil sa nabanggit na aberya at nagbalik sa normal ang operasyon bago mag-alas tres ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.