Kuwait, iginiit na hindi makatarungan ang pagsuspinde ng Pilipinas sa pagpapadala ng mga OFW

By Rohanisa Abbas January 26, 2018 - 06:19 PM

Tinawag ng Kuwait na “unjustifiable fuss” o hindi makatarungan ang pansamatalang pagsuspinde ng Pilipinas sa pagpapadala ng overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang bansa.

Sa ulat ng Kuwait News Agency, sinabi ni Kuwaiti Deputy Foreign Minister Khaled Al-Jarallah na komportable ang mga Pilipino sa kanilang bansa at nasisiguro ang kanilang karapatan.

Ipinahayag ng opisyal na hindi na masusuri ang kalagayan ng lahat ng OFWs sa Kuwait nang base lamang sa ilang kaso.

Ayon kay Jarallah, bigo ang mga otoridad ng Pilipinas sa Kuwait na magpakita ng ebidensya ng anumang kaso ng pang-aabuso.

Dagdag ni Al-Jarallah, pwedeng tumestigo ang OFW community sa pagkalinga at katatagan ng mga dayuhang manggagawa sa Kuwait.

Magugunitang sinuspinde ng Department of Labor and Employment ang pagpapadala ng bagong OFWs sa Kuwait.

Ito ay sa gitna ng pagkabahala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkamatay ng pitong OFWs sa naturang bansa na isinasailalim pa sa imbestigasyon.

TAGS: DOLE, kuwait, ofw, DOLE, kuwait, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.