Dating BOC Commissioner Nicanor Faeldon muling pinahaharap sa senate hearing sa Lunes

PDI File Photo

Muling ipinatawag ng senado si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon para sa pagdinig ng umano’y kurapsyon sa ahensya.

Ayon kay Atty. Jose Diño, pinadalhan ng subpoena ng senate blue ribbon committee si Faeldon para dumalo sa hearing sa Lunes. January 29.

Si Faeldon, na ngayon ay deputy administrator for operations ng Office of Civil Defense ng Department of Defense, ay nakakulong sa senado mula pa noong Setyembre dahil sa pagtangging dumalo sa imbestigasyon ng komite sa P6.4 billion shabu smuggling mula China.

Inakusahan siya ni Senator Panfilo Lacson na tumanggap umano ng tara o suhol sa BOC.

Itinanggi ito ni Faeldon at naghain ito ng ethics complaint laban sa senador.

Pero sa kabila ng subpoena, malamang na hindi umano dumalo sa hearing si Faeldon dahil paninindigan nito ang kanyang dignidad partikular ang karapatan na hindi na muling maakusahan ng walang basehang alegasyon.

Dagdag ng abogado, sumulat na si Faeldon sa chairman ng komite na si Senator Richard Gordon na handa niyang sagutin ang mga tanong ng panel sa pamamagitan ng notarized affidavit.

Sinabi naman ni Senator Tito Sotto na posibleng ma-release na si Faeldon mula sa senate detention basta pupunta ito huling pagdinig ng senado.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...