WATCH: Provisional service ipinatupad sa biyahe ng MRT; mga pasahero pinababa ng dahil sa umusok na pintuan

By Dona Dominguez-Cargullo January 26, 2018 - 02:17 PM

Kuha ni Kabie Aenlle

Nakaranas ng aberya sa biyahe ng MRT at nagpatupad ng provisional service makaraang may makitang usok malapit sa pintuan ng isang tren.

Huminto ang tren sa pagitan ng GMA-Kamuning at Cubao stations at pinababa ang mga pasahero ala 1:36 ng hapon.

Ang mga pinababang pasahero, naglakad sa riles patungong Cubao station.

Ayon sa control center ng MRT, galing sa ilalim ng upuan ang uso.

Maari umanong may electric components sa ilalim ng upuan ang nagkaproblema.

Pagsapit ng ala 1:45 ng hapon, sinabi ng pamunuan ng MRT na nagpatupad na sila ng provisional service.

Shaw Boulevard hanggang Taft stations lamang at pabalik ang biyahe habang wala namang biyahe mula Shaw hanggang North Avenue stations at pabalik.

Alas 2:46 ng hapon naman au naibalik na sa normal ang biyahe ng MRT.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: conrtol center, Cubao stations, gma kamuning, MRT, Radyo Inquirer, conrtol center, Cubao stations, gma kamuning, MRT, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.