Pagdinig ng Senado sa Cha-Cha tuloy kahit bumuo ng consultative committee si Pangulong Duterte

By Ruel Perez January 26, 2018 - 01:16 PM

Welcome development umano ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 19-man consultative committee na syang babalangkas sa usapin ng Cha-Cha.

Ayon kay Senator Franklin Drilon, magiging mahalaga ang mga input at magiging resulta ng pag-aaral ng commission na pinangungunahan ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno sa magiging report ng senate committee on constitutional amendments.

Magiging importante din umano ang resulta ng pag-aaral ng “Puno Commission” sa magiging krusyal na debate ukol sa Cha-Cha sa plenaryo.

Pero iginiit ni Drilon bagaman maganda ang pagbuo ng consultative committee, ay ipagpatuloy ng senate committee on constitutional amendments ang ikinakasang hearing sa Mindanao, Cebu at Baguio.

Ito ay upang mapakinggan naman ang mga testimonya opinyon at palagay ng mga resource persons ukol sa panukalang Cha-Cha.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: charter change, Radyo Inquirer, charter change, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.