19 na bagong mga hukom, itinalaga ni Pangulong Duterte
Nagtalaga ng 19 na bagong mga hukom si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga regional trial court sa CALBARZON at MIMAROPA.
Ang mga bagong hukom ay itinalaga sa Quezon, Batangas, Cavite, Laguna, Palawan, Marinduque, Rizal at Romblon, batay sa inilabas na appointment papers ng Malakanyang na ipinadala sa tanggapan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Kabilang sa itinalaga bilang hukom si dating Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes ng Department of Justice (DOJ) na na-assign sa Lucena City RTC Branch 15.
Isa si Reyes sa mga piskal na humawak ng kaso kaugnay sa P6.4-billion shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC).
Isa pang piskal na si Jennifer Santos-De Lumen ang itinalagang judge sa Cainta, Rizal RTC Branch 18.
Dumaan sa pagsasala ang mga bagong hukom ng Judicial and Bar Council (JBC) na nagsumite naman ng shortlist para pagpilian ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.