Beep Cards mabibili na sa ilang piling himpilan ng MRT

beep card
Inquirer file photo

Puwede nang mabili ng mga pasahero ng Metro Rail Transit 3 o MRT 3 ang mga bagong beep cards sa limang pangunahing mga himpilan nito.

Iyan ay makaraang simulan nang magbenta ng private concessionaire ng MRT na A.F Payments ng contactless cards sa North Ave., Cubao, Shaw Blvd., Ayala Ave. at Taft Ave. stations.

Sinimulan ang pagbebenta ng beep cards kaninang alas Singko ng madaling araw at tatagal hanggang sa pagsasara ng operasyon ng MRT 3 alas dyss ng gabi.

Mabibili ang beep card sa tabi ng teller’s booth sa halagang P100 na may load na nagkakahalaga ng P80, ang P20 kasi ay ang halaga ng bawat re-loadable card.

Maaring magamit ang stored value card sa loob ng apat na taon magmula nang ito ay bilhin.

Limampung libong mga bagong beep cards ang ibebenta ng A.F payments ngayong linggong ito.

Ang naturang bagong ticketing system ay ipatutupad sa lahat ng MRT stations simula sa October 3 sa lahat ng mga himpilan ng MRT 3.

Bukod sa MRT 3 sa nasabi petsa ay magagamit na rin ang nasabing beep card para sa lahat ng himpilan ng Light Rail Transit (LRT) line 1 and 2.

Read more...