Barko bumangga sa pier sa Bacolod City, 20 pasahero ang sugatan

FB Photo

Mahigit dalawampu ang nasaktan makaraang bumangga ang isang fastcraft sa pantalan ng Bacolod City.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Capt. Arman Balilo, galing sa Iloilo City ang Ocean Jet 7 at padaong na sa pier ng Bacolod nang bumangga ito.

Sinabi ni Balilo na kaagad dinala sa ospital ang dalawampu’t anim na nasaktang pasahero pero nailabas din naman dahil sa minor injury na natamo ng mga ito.

Sa salaysay ng kapitan ng barko na si Capt. Sergio Alcibar, 50 metro ang layo mula sa pier nagkaroon ng malfunction ang makina ng barko na sinundan ng speed acceleration dahilan upang bumangga.

Pinagsusumite naman ng marine protest ng coast guard ang kapitan ng barko.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...