Aktibong pulis at municipal councilor sa Cebu arestado matapos maaktuhang naglalaro sa casino
By Dona Dominguez-Cargullo January 26, 2018 - 11:44 AM
Inaresto ng mga tauhan ng Police Regional Office sa Central Visayas ang isang aktibong pulis at isang konsehal ng bayan sa Cebu makaraang maaktuhan na nagca-casino.
Ipinrisinta sa media ng PRO-7 sina PO2 Cyrelle Bayarte at si Cordova, Cebu Councilor Lemuel Pogoy.
Si Bayarte ay nakatalaga sa Parian police station.
Ayon sa mga otoridad nahuli ang dalawa sa magkahiwalay na insidente habang naglalaro ng casino.
Si Bayarte ay partikular na nahuli sa loob ng casino sa isang hotel sa Cebu City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.