Kahit nag-sorry, Kevin Durant pinatawan ng $15,000 na multa ng NBA
Pinagmulta ng pamunuan ng NBA si Kevin Durant matapos nitong akusahan ang isang referee na mayroon umanong galit sa kaniya kaya tinawagan siya ng tinawagan nito ng foul sa nagdaang laban nila sa New York Knicks noong Martes.
Ayon sa Golden State Warriors player, alam niyang papatawan siya ng parusa ng NBA dahil sa kaniyang ginawa.
Noong Miyerkules sinabi ni Durant na ilang beses niyang pinanood ang game at alam niyang hindi naman talaga foul ang mga nagawa niya pero itinawag pa rin ito ng referee na si James Williams.
Sa init ng kaniyang ulo sa kinahinatnan ng laban, ibinagsak ng malakas ni Durant ang bola at nagalit siya sa referee.
Humingi naman na ng paumanhin si Durant sa kaniyang ginawa at sinabing handa siyang harapin ang parusa.
Tinanggap naman ng NBA ang paghingi ng paumanhin ni Durant pero pinatawan pa rin siya ng multa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.