Binuong Consultative Committee ni Pangulong Duterte para sa Cha -Cha, welcome sa liderato ng Kamara
Ikinalugod ng mga kongresista ang pagbuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 19-member Consultative Committee na magre-review sa 1987 Constitution.
Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Chairman Roger Mercado, welcome para sa kamara ang nasabing development sa gitna ng mga talakayan para sa Cha -Cha sa pagitan ng dalawang kapulungan ng kongreso.
Sinabi ng kongresista na makakatulong ang Presidential Consultative Commission sa kongreso para sa mga inputs ng mga ito sa aniya’y makasaysayang pagbalangkas ng panibagong Konstitusyon ng bansa.
Para naman kay Deputy Minority Leader at ABS Party-list Rep. Eugene De Vera, “welcome participation” ito mula sa aniya’y mga kapita-pitagang indibidwal.
Tiyak na makakaapekto aniya ang trabaho at inputs ng mga ito sa mga possible proposals sa pag-amiyenda ng Konstitusyon sa oras na mag-convene ang kongreso bilang constituent assembly.
Gayunman, nakasalalay pa rin naman aniya sa kanilang mga mambabatas ang proposal na papaaprubahan sa taongbayan sa pamamagitan ng isang plebesito ang pagpapalit ng Konstitusyon.
Nauna rito nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ng 19 indibidwal na miyembro komite kung saan si dating Chief Justice Reynato Puno ang siyang tatayong chairman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.