Supermarket sa Binondo, Maynila, nasunog

Photo from Fire Emergency Paramedic assistance Group

Tinupok ng apoy ang bahagi ng isang supermarket sa Sta. Cruz, Maynila.

Nasunog ang bahagi ng Ever Supermarket sa Masangkay Street.

Umabot lang ng unang alarma ang sunog na agad din namang naapula ng mga otoridad.

Wala ring naitalang nasaktan o nasugatan sa nasabing insidente.

Inaalam naman ng Manila Fire Bureau kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang natupok.

 

 

 

 

 

 

Read more...