2 kilo ng shabu nakuha sa kisame ng isang bahay sa Quezon City

By Justinne Punsalang January 26, 2018 - 08:13 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Dalawang buwan pa lamang nangungupahan ang isang pamilya sa isang bahay sa loob ng Parkway Subdivision na sakop ng Barangay Apolonio Samson, Quezon City at laking gulat nila nang makakita ng shabu sa kanilang kisame.

Ayon kay Barangay Captain Elizabeth De Jesus, itinawag lamang sa kanila ang tungkol sa natagpuang kahinahinalang nakabalot na bagay.

Sa una ay inakala umano ng mga nagrerenta sa bahay na ito ay fetus. Ngunit nang buksan ng mga otoridad ay doon na nalaman na ito pala ay shabu na tumitimbang ng nasa 2 kilo.

Kwento pa ng mga nangungupahan sa bahay, dalawang linggo na ang nakakaraan nang makita nilang bukas ang isang bahagi ng kisame sa isang banyo sa bahay at agad nila itong isinara. Hindi naman sila nag-isip ng masama tungkol dito.

Ngunit naghinala na sila nang makitang nakabaliko na ang curtain rod sa kaparehong banyo. Inakala nilang nilolooban sila at agad nilang tiningnan kung mayroon bang lagusan mula sa kisame nito, at doon na nakita ang bulto ng shabu.

Ayon naman kay Superintendent Robert Sales, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 1, magsasagawa sila ng imbestigasyon upang malaman kung ang dati bang nangungupahan sa bahay ang may-ari ng narekober na iligal na droga.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: apartment, barangay apolonio samson, Illegal Drugs, quezon city, shabu, apartment, barangay apolonio samson, Illegal Drugs, quezon city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.