WATCH: Gasolinahan tinangkang holdapin ng tatlong lalaki sa Tondo, Maynila

By Justinne Punsalang January 26, 2018 - 07:10 AM

Nauwi sa barilan ang tangkang pagnanakaw ng tatlong kalalakihan sa isang gas station sa Road 10 sa Tondo, Maynila.

Ayon sa gasoline boy, napansin niya na palingon-lingon sa paligid ang mga lalaking sakay ng isang motorsiklo.

Naghinala ito at agad na itinawag sa mga nakasibilyan na otoridad ang tungkol sa tatlo.

Nahagip pa sa CCTV camera ng establisyimento ang paglapit ng dalawang lalaki na may hawak na baril sa cashier ng gasolinahan.

Lumapit ang mga pulis sa mga ito at doon na nangyari ang pagpapalitan ng putok.

Dalawa sa mga salarin ay nakatakas, habang kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang isa pang suspek na nagtamo naman ng tama ng bala sa leeg at tagiliran.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Station 1 commander, Supt. Jay Dimaandal, patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon para malaman ang pagkakakilanlan ng mga suspek, gayundin ang follow-up operation para naman maaresto ang dalawang nakalalayang mga holdaper.

 

 

 

 

 

 

TAGS: gasoline station, hold-up incident, metro news, Radyo Inquirer, Tondo Manila, gasoline station, hold-up incident, metro news, Radyo Inquirer, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.