Gilas Pilipinas wagi kontra Iran sa Fiba Asia

Fiba Iran
Fiba.com photo

Namayani ang Pilipinas kontra Iran matapos talunin ang nasabing bansa na defending Champion ng Fiba Asia.

Sa pagpapatuloy ng Fiba Asia 2015 sa China, tinalo ng Gilas Pilipinas ang Iran sa score na 87-73.

Si Andre Blatche na unang pagkakataong nakalaban ang Iran ay nagtala 18 points at 7 rebounds Si Jason Castro naman ang nakapagtala ng pinakamataas na puntos na 26 points.

Sa 1st quarter at simula ng 2nd quarter ay lamang pa ang Iran, pero bago matapos ang 3rd quarter ay nagsimula nang lumamang ang Gilas.

Napalobo ng Pilipinas ang lamang nito kontra Iran sa unang bahagi ng 4th quarter.

Ang Iran ang tumalo sa Pilipinas noong Fiba Asia 2014, kaya ang ikalawang pwesto lamang ang naiuwi ng Gilas at nag-uwi ng silver.

Read more...