North Korean hockey players, dumating na sa SoKor para sa Olympics

By Rhommel Balasbas January 26, 2018 - 12:44 AM

 

AP photo

Tuloy na tuloy na ang pagtatambalan ng North at South Korea para sa isang ice hockey team na ilalaban sa nakatakdang Winter Olympics.

Ito ay matapos ang pagdating na ng isang dosenang female hockey players sa National Training Center ng South Korea.

Binagtas ng mga atleta ang North-South Korean border at sinalubong ng mainit na pagtanggap habang nililibot ang athlete’s village ng kanilang South Korean teammates at ng Canadian Coach na si Sarah Murray.

Masayang masaya naman si North Korean coach Park Chol Ho dahil nagkaisang muli ang dalawang bansa sa pamamagitan ng partisipasyon sa Olympics.

Umaaasa anya siya na magkakaroon ng magandang resulta ang pagkakaisang ito.

Samantala, nag-group picture ang dalawang grupo ng mga atleta sigaw-sigaw ang “We are one”.

Hindi pa naman sila mageensayo ng magkasama sa loob ng ilang araw sapagkat kailangan pa ni Coach Murray na makilala ang North Koreans.

Magaganap ang Winter Olympic Games sa Pyeongchang, South Korea sa Pebrero.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.