$1.25-B halaga ng investments, maiuuwi ng Pilipinas mula India

By Kabie Aenlle January 26, 2018 - 03:00 AM

 

Presidential photo

Hindi bababa sa $1.25 bilyong halaga ng investments ang tiyak nang maiuuwing pasalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas mula sa kaniyang pagbisita sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ang resulta ng pakikipagpulong ng mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga Indian companies sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) – India Commemorative Summit sa New Delhi.

Dahil sa bilyun-bilyong pisong halaga ng investments, inaasahang makapagbibigay ito ng nasa 10,000 na mga trabaho sa mga Pilipino.

Ayon naman kay Trade Sec. Ramon Lopez, hindi pa kasama dito ang mga pledges ng mga kumpanyang hindi pa nakapagbibigay ng tinatayang halaga ng kanilang investments.

Tiyak aniya na hihigit pa ito sa $1.25 bilyon kung susumahin ang pinal na kabuuan nito.

Kasama sa mga kumpanyang naglaan ng investments sa Pilipinas ay ang Adani Green Energy na target palawigin ang knailang operasyon sa bansa na pagtutuunan ng pansin ang renewable energy.

Maliban dito, nagpahayag din ng interes ng pag-iinvest sa Pilipinas ang Interglobe Air Transport, Interglobe Technologies, KG Information Systems Private Ltd., Business Process Association of the Philippines, The Farm at San Benito at Hinduja Global Solutions.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.