Trump nagbantang puputulin na ang lahat ng tulong sa Palestine

January 26, 2018 - 02:20 AM

 

Nagbanta si US President Donald Trump na tuluyang puputulin na ang pagbibigay ng tulong at pondo sa Palestine kung hindi ito papayag na makipag-dayalogo sa Israel.

Ang pahayag ni Trump ay matapos na tumangging makipagpulong ng Palestine kay Vice President Mike Pence nang bumisita ito sa bansa kamakailan.

Ayon kay Trump, nagmistulang pambabastos ang ginawa ng Palestine sa Amerika nang hindi nito binigyang-pansin ang pagbisita doon ni Vice President Pence.

Matatandaang una nang idineklara ni Trump na kikilalanin na ng Amerika ang Jerusalem bilang kabisera ng Israel at binabalak na ilipat ang embahada nito doon.

Gayunman, mariin itong kinondena ng Palestine at ng marami pang Arab leaders.

Dahil dito, nagkaroon ng sunud-sunod na protesta sa panig ng mga Palestino at Muslim ang deklarasyong ito ni Trump.

Nais sana ni Trump na simulan nang muli ang peace negotiations sa pagitan ng dalawang bansa at ang Amerika ang magsisilbing ‘broker’ ng peace deal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.