China, walang special treatment sa research sa Benham Rise
Nilinaw ng Palasyo na hindi nila binigyan ng special treatment ang China sa aplikasyon ng mga bansang nagnanais magsagawa ng pananaliksik sa Benham Rise.
Matatandaang maliban sa China, aprubado na rin ang request application ng South Korea, Japan at United States para makapagsagawa ng research sa Benham Rise.
Ngunit bago ito, unang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala pang nag-aapply at walang ibang makagagawa nito maliban sa China.
Paliwanag ni Roque, noong panahong iyon ay China pa lamang ang nagbibigay ng application at wala pang ibang kwalipikado sa itinakdang kwalipikasyon ng gobyerno.
Nang sabihin niya aniya na “China has qualified so far,” ito ay dahil sila pa lang ang nakakapasa sa kwalipikasyong ipinatutupad ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Nilinaw naman ni Roque na hindi niya sinabing hindi maaaring manaliksik dito ang mga Pilipino.
Ani Roque, hindi kailangan ng mga Pilipino ng special permit para manaliksik sa Benham Rise dahil may sovereign right ang Pilipinas sa nasabing teritoryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.