Milyun-milyong pisong halaga ng pananim, nasira na dahil sa pag-aalburuto ng Mayon

 

Matindi na ang naging pinsala sa mga pananim ng abo na nagmula sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Sa tala ng Provincial Government ng Albay, nasa P73, 345, 150 na ang nawawala sa kanila pagdating sa mga pananim na palay na nasira ng ash fall.

Sakop nito ang 2, 993 hektarya ng lupa sa Sto. Domingo, Daraga, Camalig, Guinobatan, Ligao City at Polangui.

Kalbaryo naman ito para sa mga naghahanap buhay dahil nasa 2,044 na magsasaka na ang naapektuhan nito.

Pagdating naman sa mga pananim na mais, 36.4 hectares na ang apektado at aabot na sa P7,573,696 ang nalulugi.

Habang may kabuuang 805 hectares ng mga gulay at iba pang pananim ang napinsala ng ash fall kung saan aabot sa P19, 814, 070 ang kabuuang cost of damage.

Read more...