Willie Marcial bagong PBA Commissioner

By Rohanisa Abbas January 25, 2018 - 07:42 PM

Inquirer file photo

Magsisilbing bagong Commissioner ng Philippine Basketball Association (PBA) si Willie Marcial matapos siyang mapili sa ginawang pulong ng PBA Board of Governors.

Inanunsyo ito ni PBA Chairman Ricky Vargas ng TNT KaTropa.

Ayon kay Vargas, nagkasundo ang Board of Governors na gawin nang commisioner ng PBA si Marcial.

Si Marcial ay unang itinalaga bilang officer-in-charge ng liga makaraang magbitiw si dating commissioner Chito Narvasa noong Disyembre.

Mananatili pa ring media head ng PBA si Marcial na matagal na rin niyang posisyon sa PBA.

Si Marcial ang nasa likod ng “PBA Homecourt” program kung saan ay nabibigyan ng pagkakataon ang ilang mga professional players ng liga na mag-ikot sa iba’t ibang basketball courts sa bansa.

May tatlong taong termino bilang PBA Commissioner si Marcial na pwede ring ma-renew.

TAGS: commisioner, PBA, willie marcial, commisioner, PBA, willie marcial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.