Trillanes: Pulong ng mga pinuno ng Kamara at Senado para sa Cha-cha walang kwenta.

By Ruel Perez January 25, 2018 - 06:02 PM

Photo: Sen. Koko Pimentel

Wala umanong anumang saysay kung mayroon mang kasunduan na nabuo sa pagitan ng liderato ng Kamara at Senado sa usapin ng Charter Change o Cha-cha

Ayon kay Sen Antonio Trillanes, kung meron man napagkasunduan nabuo sa pagitan ni Senate President Koko Pimentel, House Speaker Pantaleon Alvarez, Senate Majority Leader Tito Sotto at House Majority Leader Rudy Fariñas ito ay sa pagitan lamang nilang apat.

Paliwanag ni Trillanes, wala itong epekto at hindi magiging binding sa Senado sa kabuuan

Dagdag pa ni Trillanes, hanggang sa ngayon ay wala pa umanong nararating na kasunduan ang mga senador kaugnay sa usapin ng amyenda sa Saligang Batas.

Noong Miyerkules ng gabi ay nagpulong sina Pimental, Alvarez, Sotto at Fariñas para plantsahin ang ilang isyu kaugnay sa planong Cha-cha.

Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ni Pimental na magpapatuloy ang pulong ng liderato ng Kamara at Senado para matiyak na tuloy ang pag-amyensa sa Saligang Batas.

TAGS: Alvarez, chacha, farinas, pimental, Sotto, trillanes, Alvarez, chacha, farinas, pimental, Sotto, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.