UberX humirit ng dagdag pasahe sa LTFRB

By Rohanisa Abbas January 25, 2018 - 05:24 PM

Nais ng transport network company na Uber-Philippines na taasan ang singil sa UberX sa gitna ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Inihain ng Uber ang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay nito.

Hiniling ng Uber na payagan silang dagdagan nang 58% hanggang 110% ang pasahe sa kada kilometro ng UberX rides depende sa oras ng demand para sa mga pasahero.

Nangangahulugan ito na tataasang singil sa P9 hanggang P12 mula sa kasalukuyang P5.70 kada kilometro.

Mananatili anman ang base fare na P40 at time charge na P2 sa UberX.

Ayon sa Uber-Philippines, makakatulong ito sa mga tsuper para makabawi sa kanilang mga gastusin dulot ng bagong excise tax sa petrolyo at requirements sa ilalim ng Omnibus Franchising Guidelines ng LTFRB.

TAGS: excise tax, fare increase, ltfrb, uberX, excise tax, fare increase, ltfrb, uberX

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.