MNLF, nangakong hindi tutulong sa Abu Sayyaf Group

By Josephine Jaron Codilla September 28, 2015 - 12:06 PM

samal island kidnapSa pagtitipon ng mahigit kumulang dalawandaang (200) mga kasapi ng Moro National Liberation Front (MILF) na ginanap Linggo ang umaga, Setyembre 27, sa Barangay Lower Patibulan, Panamao, Sulu, sinabi ng grupo na hindi sila makikipagtulungan sa Abu Sayyaf Group (ASG) na pinaniniwalaang may kinalaman sa pagdukot sa 2 Canadian, 1 Norwegian at 1 Filipina sa Samal Island sa Davao del Norte.

Ayon sa military sources na sa katunayan, nagpahayag ang grupo ng kanilang hangarin na makipagtulungan sa pamahalaan sa pagpuksa sa teroristang grupo sa oras na matapos ang usapin ng magkabilang panig patungkol sa isyu ng patuloy na pagpuno ng 7,500 MNLF integrees sa regular force ng Armed Forces of the Philippines.

Sa naturang pagtitipon kung saan nagsilbing moderator si Professor Sammy Adjo, natalakay rin ang mga isyu ng usaping pangkapayapaan sa Mindanao sa pagitan ng MNLF at GRP, pati na rin ang patuloy na banta ng grupong ASG.
Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon kung saan inanyayahan ang mga dati at kasalukuyang MNLF members mula sa iba’t ibang munisipyo ng Sulu, pati na rin ang mga AFP integrees, ay ang mga kasalukuyang MNLF field commanders na sina Ustadz Yacob, Tahil Sali at Rindiyong.

TAGS: samal kidnapping, samal kidnapping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.