Bilang ng mga bakwit dahil sa pagsabog ng Mayon umakyat na sa 74,000

Photo: Mark Makalalad

Umakyat na sa mahigit 74,000 ang bilang ng mga evacuees o bakwit sa lalawigan ng Albay dulot ng patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Sa pinakahuling tala ng Provincial Diasaster Risk Reduction and Management Council nasa 74,224 na ang mga indibidwal na nagsilikas sa permanent danger zone o katumbas ng 19,407 na pamilya.

Pinakamarami sa mga nagsilikas ay mula sa Legazpi City na may 13,605 indibidwal.

Sinundan ito ng bayan ng Daraga na may 13,271 na mga bakwit at Sto. Domingo na may 10,789 na mga evacuees.

Samantala, Aabot naman sa 72 evacuation centers ang inokupa ng mga bakwit na sakop ang nasa 60 barangay.

Inaasahan pa ng mga otoridad na tataas ang nasabing bilang dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng nasabing bulkan.

Read more...