OSG: Aquino, Purisima at Napeñas hahabulin ng mabigat na kaso sa Mamasapano

By Alvin Barcelona January 25, 2018 - 03:40 PM

Hiniling ng Office of the Solicitor General sa Supreme Court na ibasura ang kasong isinampa laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating PNP Chief Alan Purisima at dating Special Action Force Director Getulio Napeñas kaugnay ng Mamasapano massacre.

Isinabay ito sa ikatlong anibersaryo ng pagkamatay ng tinaguriang SAF 44 sa Mamasapano, Maguindanao noong  January 25, 2015.

Sa petisyon ng OSG sa Supreme Court, hiniling nito na pagpalabas ng temporary reatraining order o writ of preliminary injuction para pigilan ang arraignment ng kaso sa February 15, 2018 sa 4th Division ng Sandiganbayan laban sa tatlong dating opisyal.

Pinababawi din ng OSG ang ang mga resolusyon ng Ombudsman na naglalaglag sa mga mga kasong reckless imprudence resulting in homicide na kasama sa orihinal na kasong isinampa laban kina Aquino, Purisima at Napeñas.

Humirit din ang OSG sa Korte Suprema na utusan ang Ombudsman na ibalik ang 40 kaso ng reckless imprudence resulting in homicide laban sa bawat respondent.

Una nang nagpaghayag ng pagkadismaya ang pamilya ng SAF 44 sa paniniwalang naging magaan ang pag-trato ni Ombudsman Conchita Carpio Morales laban sa dating pangulo na nag-appoint dito sa posisyon.

TAGS: Aquino, mamasapano, Napenas, purisima, saff 44, Aquino, mamasapano, Napenas, purisima, saff 44

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.