Mga naapektuhan ng bulkang Mayon bibisitahin ni Duterte

Inquirer file photo

Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga residente sa Bicol region na apektado ng pagsabog ng bulkang Mayon.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, gagawin ng pangulo ang pagbisita oras na makabalik na ito ng Pilipinas sa sabado.

Nagtungo kahapon ang pangulo sa India para dumalo sa tatlong araw na ASEAN-India Special Commemorative Summit.

Gayunman, hindi pa matukoy ni Roque kung kailan eksakto ang gagawing pagbisita ng pangulo sa Albay.

Bago tumulak patungong India, sinabi ng pangulo na inalam niya muna ang kalagayan ng mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng bulkan.

Noong Lunes lamang, inilabas na ng Department of Budget and Management ang Internal Revenue Allotment ng lalawigan ng Albay para sa buwan ng Enero kung saan ang five percent nito ay maaring magamit bilang contignecy plan para matulungan ang mga apektadong residente.

Nasa 72,000 na mga residente ang nanatili ngayon sa iba’t ibang evacuation centers sa lalawigan ng Albay kaugnay pa rin sa aktibidad ng bulkang Mayon.

Read more...