Pulis na survivor sa Mamasapano clash, kabilang sa nasawi sa pagsabog ng granada sa Abra

By Dona Dominguez-Cargullo January 25, 2018 - 12:40 PM

SAF PO3 Carlos Bocaig. (Photo from Sardines Ang Favorite [SAF] FB Page
Nasawi sa pagsabog ng granada sa La Paz, Abra ang isang pulis na nakaligtas noon sa madugong Mamasapano incident.

Nagkataon na ang pagkasawi ni Police Officer 3 Carlos Bocaig ay kaparehong petsa ng pagkasawi ng 44 na mga kasamahan niya sa Special Action Force noong January 25, 2015 o tatlong taon na ang nakalilipas.

Sa ulat ng INQUIRER.net isa si Bocaig sa ‘gunner’ nang salakayin ng 13-man assaukt team ang tintuluyang bahay ni Malaysian terrorist at bomb expert Zulkifli Bin Hir, alyas Marwan sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon sa isa ring survivor, si Bocaig ay mailalarawan niya bilang isang “warrior”.

Pagkatapos umano ng Mamasapano clash, patuloy pa rin na nagvo-volunteer para sumama sa combat operations si Bocaig.

Si Bocaig at isa pang pulis ay nasawi habang nagbibigay ng seguridad sa pagdiriwang ng kapistahan sa bayan ng La Paz sa Abra, Huwebes ng madaling araw.

Kabilang sa mga nasugatan sa insidente sina Abra Rep. Joseph Bernos at asawa niyang si La Paz Mayor Menchie Bernos.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: grenade attack, La Paz Abra, Mamasapano Clash, PO3 Carlos Bocaig, saf 44, grenade attack, La Paz Abra, Mamasapano Clash, PO3 Carlos Bocaig, saf 44

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.