Mahigit 500M na halaga ng mga nasabat na ilegal na droga sinunog ng PDEA

By Jan Escosio January 25, 2018 - 12:02 PM

Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit sa kalahating bilyong pisong halaga ng samu’t saring droga sa isang pasilidad dito sa lungsod ng Malabon.

Sa pamamagitan ng thermal decomposition ay hindi na mapapakinabangan ang kilo-kilong shabu, cocaine, ecstasy at marijuana.

Ito na ang ikatlong pagkakataon sa ilalim ng pamumuno ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino na nagkaroon ng mass destruction ng mga nakumpiskang droga.

Aabot sa P563.46 million ang kabuuang halaga ng mga nasabat na ilegal na droga ang sinunog.

Samantala, sinabi ni Aquino na asahan na ang mas magilas na anti-drug campaign sa mga susunod na araw dahil balik na ang Oplan Tokhang ng PNP.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Illegal Drugs, PDEA, Radyo Inquirer, Illegal Drugs, PDEA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.