Misa idinaos sa SAF headquarters sa Taguig bilang paggunita sa Mamasapano operation

By Dona Dominguez-Cargullo, Len Montaño January 25, 2018 - 11:39 AM

Inquirer.net Photo: Julianne Love De Jesus

Nag-alay ang Philippine National Police (PNP) ng misa bilang pag-alala sa 44 na mga miyembro ng Special Action Force (SAF) na namatay sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25. 2015.

Ginawa ng misa sa headquarters ng SAF sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Dumating din sa seremonya si dating SAF Chief Getulio Napeñas. Dumalo din sa misa ang mga kaanak ng mga nasawing SAF.

Matapos ang misa, ang mga nasawing miyembro ng SAF ay ginawaran ng 21-gun salute.

Ang SAF 44 ay bahagi ng misyon na magsilbi ng arrest warrant laban sa international terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan na isang Malayasian bomber.

Pero nakasagupa ng tropa ng gobyerno ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at local armed groups.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Camp Bagong Diwa, mamasapano encounter, mass for SAF 44, Radyo Inquirer, saf 44, Camp Bagong Diwa, mamasapano encounter, mass for SAF 44, Radyo Inquirer, saf 44

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.