US, Japan at South Korea, pinayagan na ng Pilipinas na magsagawa ng scientific research sa Philippine Rise

Ibinunyag ng Malakanyang na inaprubahan na rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang aplikasyon ng United States, Japan at South Korea para makapagsagawa ng scientific research sa Benham o Philippine Rise.

Ayon Kay presidential spokesman Harry Roque, nakamit na kasi ng tatlong nabanggit na bansa ang mga itinakdang requirement ng Pilipinas.

Iginiit pa ni Roque na patunay lamang ito na hindi lang ang China ang pinapaboran ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapagsagawa ng pananaliksik sa Benham o Philippine Rise.

“Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano apprised me of the latest developments in Benham Rise. Request applications to conduct research by the United States, Japan and South Korea have likewise been approved. This hopefully puts to rest the issue that the current administration is favoring China in the issue of Benham Rise,” ani Roque.

Sinabi pa ni Roque na hindi na rin kinakailangan na kumuha ng permit ang mga Filipino na nagnanais ding magsagawa ng research sa Philippine Rise na sagana sa yamang dagat.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...