WATCH: Mt. Mayon, muling nagbuga ng abo ngayong umaga; lava fountaining ilang ulit naitala sa magdamag
Muling nagbuga ng makapal at mataas na abo ang bulkang Mayon Huwebes (Jan. 25) ng umaga.
Alas 6:15 ng umaga nang mamataan ang makapal na usok mula sa bunganga ng bulkan.
Ayon sa PHIVOLCS, bahagi pa rin ito ng tuluy-tuloy na aktibidad at pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Muli itong nasundan ng pagbubuga ng abo alas 8:45 ngayong umaga.
Sa nakalipas na magdamag ay ilang beses na nagpakita ng lava fountaining ang bulkan.
May mga pagkakataon pa na nakarinig ng malakas na ‘rumbling sound’ mula sa bulkang Mayon na susundan ng paglalabas ng lava.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.