Inihalintulad ng Santo Papa ang paglaganap ng fake news sa isang eksena sa Bibliya kung saan tinukso ng demonyong ahas si Eva na kainin ang ipinagbabawal na bunga.
Ito anya ang unang kaso ng fake news na nagdulot ng masamang epekto sa tao.
Inilabas ng Santo Papa ang dokumentong “The Truth Will Set You Free – Fake News and Journalism for Peace” para sa magaganap na World Communications Day ng Simbahang Katolika sa May 13.
Ayon kay Francis, ang pagpapalaganap ng pekeng balita ay maaaring magdulot ng pagkamit ng tao sa kanyang layunin, makaimpluwensya sa mga desisyong pampulitika at maaari ring pumuno sa kanyang ‘economic interests’.
Nanawagan siya sa mga gumagamit ng social media at sa mga mamahayag na ibalita ang katotohanan at hubaran ang mga nagtatago sa kanilang mga ‘snake tactics’ upang manlinlang.
Iginiit din ng Santo Papa na ang papel ng mga mamamahayag na ‘protektahan ang balita’ ay hindi lamang isang trabaho kundi isang misyon.
Dahil dito na nawagan siya sa anya’y ‘education for truth’ na magtuturo sa taong magnilay, pag-aralan at umintindi ng impormasyon.