US Gymnastics doctor, makukulong ng hanggang 175 taon dahil sa sexual abuse
Makukulong ng 40 hanggang 175 taon ang kontrobersyal na dating USA Gymnastics Team doctor na si Dr. Lawrence ‘Larry’ Nassar.
Ito ang ibinabang hatol ni Judge Rosemarie Aquilina ng Ingham County Michigan court na humawak sa kaso ng 54-anyos na dating Olympics doctor ng US gymnastics team na naakusahang nangmolestya sa 156 na mga kabataang gymnast sa Amerika.
Si Nassar ay nagsilbi bilang team doctor ng USA Gymnastics ng dalawang dekada at karamihan sa kanyang mga naging biktima ay miyembro ng grupo.
Unang sumiklab ang mga alegasyon ng pangmomolestya ng doktor sa mga kabataang gymnast noong September 2016 nang lumutang ang dalawa sa mga naging pasyente nito.
Simula noon, isa-isa nang lumantad ang ilan pang naging biktima ng pangmomolestya at pang-aabusong sekswal ni Nassar.
Sa pitong araw na pagdinig sa kaso ni Nassar, isa-isang lumantad at nagbigay ng pahayag ang mga naging biktima nito sa nakalipas na mga taon.
Lahat ay nagpahayag ng pagkagalit at pagkamuhi sa doktor dahil sa ginawa nitong pangmomolestiya at kasiyahan dahil sa makukulong na ang doktor na umabuso sa kanila nang mahabang panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.