EU, inimbitahan si Pangulong Duterte sa Asia-Europe Meeting

By Rhommel Balasbas January 25, 2018 - 03:26 AM

 

Inquirer file photo

Nagpadala ng pormal na imbistasyon para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang European Union (EU) para sa magaganap na 12th Asia-Europe Meeting (ASEM).

Ito ay kinumpirma mismo ni EU Ambassador to the Philippines Franz Jessen.

Ang naturang pagpupulong na dadaluhan ng mga bansa mula sa Europa at Asya ay magaganap sa October 18 at 19 sa Brussels, Belgium.

Ayon kay Jessen, ipinadala ang imbitasyon sa Palasyo ng Malacañang ngunit hindi pa sila nakatatanggap ng reply ukol dito dahil maaaring kakatanggap lamang nito ng tanggapan ng pangulo.

Ang naturang imbitasyon ay dumating sa kasagsagan ng pagtanggi ng Pilipinas sa P380 milyong aid mula sa EU.

Sinabi pa ni Jessen na welcome ang pangulo sa Europa at ang kanyang pagdalo ay maaaring maging oportunidad upang mapalawig pa ang kanyang kaalaman tungkol sa kontinente.

Sakali anyang pumunta ang pangulo sa Europa at lumahok sa mga diksusyon ay maaaring bumalik ang pangulo na may positibong pananaw ukol sa EU.

Matatandaang ilang beses binatikos ni Duterte ang organisasyon dahil sa mga kritisismo nito laban sa giyera kontra iligal na droga ng administrasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.