Mga opisyal at kawani ng gobyerno na mahuhuling naglalaro sa casino, aarestuhin
Awtorisado na ang pambansang pulisya na arestuhin ang sinumang empleyado o kawani ng gobyerno na mahuhuling naglalaro sa casino.
Ito ay upang lalong maiwasan na ng mga empleyado ng pamahalaan ang gambling.
Mismong sina Philippine National Police (PNP) Chief Ronald “Bato” Dela Rosa”, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Andrea Domingo at National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Albayalde ang nanguna sa pagpapaskil ng mga ‘warning signages’ sa Solaire Resort and Casino sa lungsod ng Parañaque.
Nakalagay sa signage ang “No Government Official Allowed to Gamble”.
Ipapaskil din ang mga kahalintulad na paalala sa mga casino sa buong bansa kabilang na ang malalaking gambling establishments tulad ng Okada, Resorts World Manila at City of Dreams.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Duterte sa hepe ng PNP noong pinasinayaan ang Overseas Filipino Bank na pangunahan ang kampanya ng gobyerno sa pagpasok ng mga kawani nito sa mga casino.
Ipinag-utos na rin ni Dela Rosa ang pagsibak sa mga miyembro ng PNP na mahuhuling nasa casino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.