‘Super blue blood moon eclipse’ masasaksihan sa January 31 sa Pilipinas

 

Sa isang pambihirang pagkakataon, magagawang masilayan ng mga Pinoy ang tinaguriang ‘super blue-blood moon’ sa bansa.

Ayon sa mga eksperto, ang ‘super blue-blood moon’ ay kombinasyon ng blue moon, lunar eclipse o blood moon at supermoon na sabay-sabay na magaganap sa January 31.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration o Pagasa, sa naturang petsa, masasaksihan ang pag-iral ng lunar eclipse na tinatawag na ‘blood moon’.

Ito rin ay panahon ng ‘full moon’ na isa ring kakaibang pagkakataon dahil ito ay ang ikalawang ‘full moon’ na magaganap sa iisang buwan.

Ito naman ay tinatawag na ‘blue moon’ dahil sa magmimistulang kulay asul ang buwan.
Bukod pa dito, magiging mas malaki kaysa normal ang buwan sa naturang panahon dahil mas malapit ito sa araw kaya’t tinatawag naman itong ‘supermoon’.

At dahil sabay-sabay na magaganap ang naturang pagkakataon, ay tinatawag na ‘super blue blood moon’ ang naturang kaganapan.

Magsisimula ang kakaibang phenomenon sa buwan ganap na alas 6:49 ng gabi ng January 31 at tatagal hanggang alas 12:09 ng madaling-araw ng February 1.

Read more...