Pekeng pulis, nakuhanan ng 30 sachet ng shabu sa Pasig
Arestado ang isang lalakeng nagpapakilala bilang isang pulis makaraang makuha sa pag-iingat nito ang nasa 30 sachet ng shabu sa Pasig City.
Kinilala ni Sr. Supt. Orlando Yebra Jr., ang naarestong suspek na si Oden Monderin, 43-anyos na nakasuot pa ng t-shirt ng pulis nang madakip ng mga otoridad.
Una rito, naging kapansin-pansin ang kahina-hinalang kilos ng suspek sa Tawi-Tawi St., Bgy. Sta. Lucia, Pasig City dakong ala 1:30 ng hapon kaya’t agad nila itong nilapitan ng mga pulis.
Nang komprontahin ang suspek, nagpakilala pa itong pulis sa mga otoridad.
Gayunman, nabigo itong magpakita ng anumang ID na magpapatunay sa kanyang pagiging isang alagad ng batas.
Nang kapkapan, nakuha sa katawan ng suspek ang 30 sachet ng shabu at isang kalibre .38 na baril.
Dahil dito, agad na inaresto ang suspek.
Inihahanda na ang patung-patong na kaso laban sa suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.