Ipinahayag ito ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa isang araw bago ang anibersaryo ng madugong engkwentro.
Inalala rin ni Dela Rosa ang pakikinig sa testimonya ng survivors kung saan naging emotional aniya ito para sa kanya at sa iba pang miyembro.
Si Dela Rosa ay naging bahagi ng Board of Inquiry operational audit team.
Magugunitang noong January 25, 2015, nagsagawa ng operasyon ang PNP-SAF laban sa international terrorists na sina Zulkifli Bin-Hir alyas Marwan at Bassit Usman sa Barangay Tukanalipao sa Mamasapano, Maguindanao.
Napatay ng mga pulis si Marwan ngunit nauwi ito sa engkwentro ng pulisya, Moro Islamic Liberation Front, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, at iba pang armadong grupo sa lugar.
Nagresulta ito sa pagkasawi ng 44 SAF commandos, 18 myembro ng MILF at tatlong sibilyan.