Kinumpirma ito ni EU Ambassador to the Philippines Ambassador Franz Jessen.
Ipinaliwanag ni Jessen na kinakailangang lagdaan ng Pilipinas ang dokumento ng EU-Philippine Trade Related Technical Assistance (TRTA) sa katapusan ng 2017, pero ibinalik ito sa EU nang walang pirma.
Ang naturang TRTA na hindi tinanggap ng Pilipinas ay nagkakahalagang 6.1 million euros.
Sinabi rin Jessen na nakaamba rin tanggihan ng bansa ang 40 million euros o 2.4 billion-peso aid para sa renewable energy projects. Gagamitin sana ito para sa pagtatayo ng solar power plants sa Mindanao.
Ipinahayag naman ng opisyal na iginagalang ng EU ang desisyon ng bansa.
Magugunitang ilang beses nang tinuligsa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EU dahil sa paglalatag umano ng kondisyon sa mga ayuda nito, gaya ng paglalagay ng human rights regulations.